My Thoughts On Independence Day (Ang Aking Saloobin Sa Araw Ng Kalayaan) ?>

My Thoughts On Independence Day (Ang Aking Saloobin Sa Araw Ng Kalayaan)

Kanina lang, naitanong ko sa sarili ko, “ano na kaya ang nangyari sa bansa natin matapos ideklara ng ating kauna-unahang presidente na si Heneral Emilio Aguinaldo ang Kalayaan ng bansa sa balkonahe ng kanyang bahay sa Kawin, Cavite?”

Naitanong niyo na ba iyan sa sarili niyo?

Matapos ang ilang giyera, kasama na ang dalawang Digmaang Pandaigdig, mga pangulong nanilbihan sa ating bansa at ang mga taon-taong pag-gunita sa  Araw ng Kalayaan, sulit kaya ang pag-buwis ng buhay ng napakarami nating mga bayani para sa bayan kagaya nila Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Aguinaldo, Gom-Bur-Za, etc.?

Natanong ko lang ito dahil na rin sa halos walang-katapusang problema ng bansa sa kahirapan, kurakot sa iba’t-ibang sektor ng bayan, red tape, basura, baha (lalo na at tag-ulan na uli)…haay…ang dami…

Pero sa isang banda, naisip ko din na hindi natin kailangan lahat ibagsak ang sisi sa gobyerno natin na pinangungunahan ngayon ni Pang. Noynoy Aquino.

Kundi una sa lahat, humarap tayo sa salamin at tingnan natin ang imaheng nasa harap natin.

Sino ba ang nakikita mo sa salamin? Ikaw… Ako…Tayo…

Naniniwala ako, na para magkaroon ng pagbabago sa bansa natin, magsisimula ang lahat SA SARILI NATIN.

traffic signsKung ikaw yung tipong ng taong galit at nape-perhuwwisyo sa traffic, bago natin sisihin ang MMDA or traffic enforcer, tanungin natin ang sarili natin, “kapag red ba ang signal light, dire-diretso pa rin ba ako?”

Kung ikaw yung tipo ng tao na mahilig magtapon ng basura kung saan-saan, simulan na nating itapon ang basura gaya ng balot ng candy sa basurahan, o di kaya ibulsa na lang muna.

Ang problema ng baha, unang-una sa lahat ay di lang naman problemang gobyerno lang. Ang mga ordinaryong Pilipinong kagaya natin ay may responsibilidad din.

throw garbageNung lumubog ang kotse namin sa Hagupit ng Habagat nung Agosto 2012, kulang pa ang isang oras para tanggalin namin ang pagka-dami-daming mga basurang nakabara sa kanal na malapit sa kanto kung saan naka-park ang kotse namin sa Binondo, Maynila.

Gobyerno ba ang sanhi ng problema sa basura? Hindi po. Kundi mga ordinaryong residenteng kagaya natin na walang disiplinang nag-iwan ng mga basura sa kalye, kaya nung umulan na ng malakas, tinangay na yun lahat sa kanal at nagdulot ng pagbara.

Naniniwala ako, na hindi pa huli ang lahat. Ngayong papasok na muli ang panahon tag-ulan, simulan natin ang pagbabago sa sarili natin.

Walang maidudulot na mabuti ang pagsisisi ng iba. Tayo na mismo ang gumawa ng paraan para hindi na tuluyang masayang ang pinaghirapan ng mga taong nagbuwis ng buhay nila para lamang makamit natin ang kalayaan 115-taon na ang nakakalipas.

Tayo ang susi para sa maliwanag na kinabukasan ng bansa! Tayo ang aasahan ng susunud na henerasyon.

Mabuhay ang Pilipinas!

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Photo Source: www.thefrugalgirl.com

www.williamwynnelaw.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: